United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Man~ga embajada pagdaca'y lumacad at cay Agabundos sila ay humarap, nang dumating doo'y ipinatalastas ang bilin nang Haring Clovis na nag-atas. Niyong maunaua yaong cahilin~gan sa cay Agabundos namang ibinigay, ang ucol na mana nang pamangking hirang at ang pagtatalo'y upang mailagan.
Caya't ang uinica'y makipagyari na sa man~ga turco at man~gaco na sila, nang anomang bagay at nang di muli pa na sila'y patayi't yaon ang pan~gamba. Anopa't noon din ay sila'y nag-atas niyong embajadang makikipag-usap, tanang sasabihin ay nang maisaad yaong inutusan pagdaca'y lumacad.
Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat na bilin sa inyo nang Haring nag-atas, ay sabihin ninyong di co matutupad ang ualang halagang man~ga pan~gun~gusap. Diyata't Dios cong tunay ang lisanin at yaong Idolo ang aking sambahin, sa cahilingan niya'y ang aking patalim siyang mananagot sa balang ibiguin.