United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod dito ang maysaquit ay lalacad na parati, ó sasacay sa cabayo, maigui ring cuscusing parati ang caniyang catauan nang basahang tuyo at mainit; ang damit na gagamitin nang maysaquit ay ang tinina nang azul, na pasasayaring maigui sa catauan, at masama ang louag. Touing umaga paiinumin ang maysaquit nang isang cuchara nang bilin sa número 72.
Mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. Sa panahong tag-guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo nang tupa na pasasayarin sa laman; na-aari rin ang damit na tinina nang azul.