United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa real palacio,i, ipinatauag na si Jua,t, princesang si Doña Leonila, nang dumating doon uica sa canila mabuti at cayo ay naririto na. N~gayon ay aco ay mag papabando na man~gag si pag-gayac ang tauo sa reino, m~ga bahay bahay lagyan nang damasco calle ay tabin~ga,t, man~gag linis cayo.
At pamula dito magpa hangang tuláy ay lagyan n~g calleng sa linis ay sacdal, mag cabilang tabi capoua tabin~gan pulós na de tela,t, sadyang cariquitan. Sa actong paglacad banda nang música man~gag tutugtugang caligaligaya, putaca,i, gayon din man~gag sipag salva hangan sa pumanhic ang hari at reina.