United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Masdan mo ang iyong dan~gal na quinamtan, aco,i, alipin mo lamang cung sa bagay? ¿nahan ang maraming iyong cayamanan sa oras na ito,i, di ca matulun~gan? Cundi ca susuco,i, anomang masapit sa lagay na iya,i, di ca ma-aalis; itong pan~gun~gusap ano,i, sa marinig ay halos magputoc cay Valeriong dibdib.
Sa caniyang lagay ay mapaghuhulo na may catiisan siyang catutubo baga ma,t, cung minsan ay tila susuco sa dahas nang dusang nanaca sa puso. At sa muc-ha niya,i, mapag-uunaua nang macaquiquitang siya,i, batang bata cahit nalilipos nang hindi cauasa at lubhang maban~gis na pagdaralita.