United States or Northern Mariana Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di naman sumouay pagdaca,i, sumama Tamad na si Juan sa gusto nang amá, pagdating sa bahay ang uica sa canya anác co ay dinguin hatol cong lahat na. Magpamula n~gayon magbago nang loob at dumalan~gin ca sa Poong cay Jesús, sa amá,t, iná mo,i, magsilbi nang lubós nang ang aua niya sa iyo,i, idulot.
Doon sa tubigan icao,i, pumaroon cahima,t, bitoo,i, manglimot ca roon, lacad nang madali,t, houag malalauon at ang iyong amá,i, lubhang nagugutom. Naparoon siya at hindi sumouay tuloy nag dala pa nang sadyang sisidlan n~g siya,i, sumapit sa catubiganan may ilog na isang canyang tatauirán.