United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong mariquit na devocion ay minagaling nang man~ga Sumos Pontífices, na humalili cay San Pedro sa man~ga huling panahong ito, at nilangcapan nila nang man~ga mahal na indulgencias, nang mahicayat ang man~ga binyagan sa ganoon pagpuri cay San Josef.
Sa anyayang ito nang man~ga Sumos Pontífices, ay nagmadaling gumanti ang man~ga binyagang devotos ni San Josef, at ang camahalan nang man~ga indulgencias, at ang capangyarihan nang man~ga himalang ipinaquita nang Dios, na nauucol sa cagalingan nang man~ga nauiuili sa devocíon nang pitong arao na Domingo, at sa pilitang humicayat sa caramihan, at cayâ parating nadadagdagan ang man~ga tumatauag, at humihin~gi nang sarisaring biyaya sa Poon San Josef.