United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !


At inibig pa niya na ang man~ga nasabing indulgencias, ay macamtan n~g man~ga hindi marunong bumasa, ó ualang maquitaan nang man~ga panalan~ging nasusulat dito, cun sa balang isang arao nang Domingo, sa pitong pipiliin, ay magdasal sila nang pitong Ama namin, pitong Aba, Guinoong Maria at pitong Gloria Patri . Datapua cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia plenaria, ay dapat dumulog sa confesión at sa comunión, at dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa loob nang Santo Papa.

Itong mariquit na devocion ay minagaling nang man~ga Sumos Pontífices, na humalili cay San Pedro sa man~ga huling panahong ito, at nilangcapan nila nang man~ga mahal na indulgencias, nang mahicayat ang man~ga binyagan sa ganoon pagpuri cay San Josef.

Sa pagcacamit nang man~ga indulgencias plenarias nitong mahal na devocion ó ejercicio, ay mapipili ang man~ga arao nang Domingo, na nauuna ó sumusunod sa man~ga fiestas ni San Josef, ó ang lalong magalin~gin nang isa at isa, ayon sa cailan~gan niya, ó alinsunod cayá sa utos ó hatol nang Confesor.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap