United States or Pitcairn Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Hindî lamang ang dî malilagang batás n~g panahón ang calaban n~g lumang palacad; calaban din naman ang m~ga castilang anác sa España, na sa cawacasa'y ipinalagay niláng bawa't fraile ay canilang capan~gagáw; at sa ganito'y sa canilang cahapishapis na pag-uunahan sa pagsisirâan, silasilá ring m~ga castilang may "hábito" ó walang "hábito", may ahit sa ulo ó walang ahit ang siyang nan~gaglugsôan n~g canicanilang puri, hanggang sa mapagkilala tulóy n~g m~ga túbò sa Filipinas ang taglay niláng budhî. Sa isáng bagay lamang nan~gagcacaisa ang m~ga ganap na castil
Hálos nan~gagagalac ang lahát, sinasanghod nilá ang mahínang amíhang untîunting napupucaw; sampóng ang m~ga ináng puspós sa paninimdim at m~ga pagpapaalaala'y nan~gagtatawanan at nan~gagbìbiruan silasilá. ¿Natátandaan mo bâ? anang isá cay capitana Ticâ ¿natátandaan mo bâ n~g tayo'y nan~galiligo sa ilog n~g panahóng dalaga pa tayo?
Sa pagca't na sa camay n~g inyóng m~ga caaway ang linang na ibig ninyóng pagtamnan, at walâ cayóng lacás na mailalaban sa canilá.... Kinacailan~gan munang hagcan ninyó ang camay na iyang.... ¡Hagcán! Datapuwa't ¿nalilimutan na ba ninyong silasila ang pumatáy sa aking amá, at siya'y caniláng hinucay at inalis sa canyang libin~gan?