United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang mabigyang tulot nama'y yumao na manunuksong ayos marinero siya at yaong sasakya'y tinun~go pagdaka't sa man~ga utusan siya'y nakisama. At sa paguutos na kasalukuyan sa lahat nang man~ga naruroong utusan nang upang maligtas sa kapan~ganiban ang malulubog na kanilang sasakyan.
Ang lahat ay dumun~gaw. Datapwa't nakita nilang ang tinurang sasakya'y muling lumalakad at papalayo na, na kinalululanan n~g isang babaeng nagtatago n~g mukha't ayaw manding pakilala. ¿Sino iyon? ang naging tanun~gan n~g isa't isa, ¡Ah, marahil siya ang ating reyna Dorotea! At noon din ay may narinig naman silang kumakatok na tao sa pinto sa lupa.