United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi nan~gaggugupit n~g buhok, malibang totoong mahaba na at kung gayon ay pinuputol n~g itak ó sundang kung sakaling walang gunting. Ang ibang itim sa Bataan ay nagsisipagkoronita sa ulo na parang pare upang makasin~gaw ang ipit, di umano, at yaong nan~ga sa Sambales ay nagsisipag-ahit kung minsan n~g kalahati n~g ulo, na mula sa tuktok hangang sa batok.

Ang dami, di umano, n~g m~ga ito ay may tatlong yuta at pawang nan~gananahan sa m~ga gubat at bundukin n~g Bataan at Sambales at sa Silan~ganang bundukin n~g dakong hilaga n~g Luzon na mula sa Cabo Engaño hangang Baler. May man~gilan~gilan ding nan~gananahan sa m~ga bundukin n~g m~ga lalawigang Rizal, Bulakan, Kapangpan~gan Tarlak, Pangasinan, Ilokos Norte, Nueva Ecija at Abra.

Palibhasa,t, nakapangkat-pankat ang lahing ito ay nagkaroon n~g iba't ibang pan~galan, na yaong m~ga nasa Sambales lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay pinan~ganlang Abunlon ; yaong nan~ga sa Morriones sa Tarlak ay Aburlin ; ang ibang nan~ga sa Kagayan, Isabela, Kapangpan~gan Bulakan at Bataan ay Ita ; ang ibang nan~ga sa Isabela ay Agtas ; ang ibang nan~ga sa Nueva Ecija, Kapangpan~gan, Sambales, Ilocos Sur, at Tarlac lalong lalo na yaong m~ga haluang dugo ay Balugas ; ang ibang nan~ga sa Sambales ay Bukiles ang nan~ga sa baybayin n~g dagat Pacífico sa Hilaga n~g Luzón ay Dumagat ; at ang nan~ga sa Baggaw sa Kagayan ay Parames .

Salita Ng Araw

mandi'y

Ang iba ay Naghahanap