United States or North Macedonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isilid sa loob houag calimutan sa umaga,t, hapon icao ay mag dasal, pintacasinin mo ang Vírgeng maalam n~g caauaan cang gracia ay pacamtan. Houag cang aalis dito,t, pumirme na sa arao at gabi n~g macasama ca, ang mahal mong iná,i, nag-iisa isa ualang masusugo cun dito,i, uala ca.
Dapua,t, ang iyong minumutyáng amá mulá nang gumaling ang saquít na dalá, pumirme na rito,t, di umaalis pa cataua,i, mahina,t, di para nang una. Ang sagót ni Juan ano pong gagauin diyata,i, cun siyang caloob sa atin, tibayan ang puso,t, tumauag dalan~gin sa Dios at tayo,i, caaauaan din.