United States or Greenland ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayóng walâ na siyá'y lalong mapag-uusapan na natin n~g boong caliwanagan ang dahil n~g áting salitaan. Cahi't may cauntíng pagcamapamahîin si Doray, siyá'y magalíng na católica, at hindî co íbig na pumacnít sa púsò n~g pananampalataya: naíiba ang isáng pananampalatayang dalísay at wagás sa halíng na pananampalataya, túlad sa pagcacaiba n~g nín~gas at n~g úsoc, wán~gis sa caibhán n~g música sa isáng gusót na cain~gayan: hindî napagkikilala ang ganitong pagcacaiba n~g m~ga halíng, na túlad sa m~ga bin~gí. Masasabi náting sa ganáng átin ay magalíng, santo at na sa catuwiran ang pagcacahác