United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ualang espíritu de azufre, ang timbang apat na pisong gata nang dayap, ay samahan mo nang timbang anim na pisong jarabe nang olasiman, at yaon ang pinaca espíritu de azufre. Cun ualang jarabe nang olasiman ang iyong gagamitin ay ang pulot poquiotan, ó pulot sa tubo, timbang anim na piso. Itong turo co sa nota,i, totoong galing, at casingtapang nang espíritu de azufre.
Ang isang caputol na munti nang lienzong luma ay naninitnit, at ang pinagnitnitan ay guinagauang parang cigarillong munti, na yao,i, ang tinuturang micha; ang micha,i, ibinababad sa pulot poquiotan, ó cun ualang pulot, na sa pula nang itlog; bago isoot sa butas nang sibol. Ang ibabao nang sibol ay tapalan nang isang lienzong malaqui pa sa sibol, na may dalaua ó tatlong suson.
Salita Ng Araw