United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
Marami ng panauhin ang inabot namin doon, at sa tanan, ay ipinakikilala ako ng aking dalawang kaibigan, tan~gi nga lamang sa pinipista na di namin inabot doon at sinundo ang kanyang mga kalapit-loob. "Datapwa't hindi ko natanto at kung bakit simulâ sa mga unang sandali pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag-iisip ay umulik-ulik na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok.
Sa gayong anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat, ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at pinagsabihang: "Asa ko'y hindi kayo magsisidaló, ah ... at sinabayan ng isang n~giti. "Mali ang sapantaha mo, ang tugon ni Carlos. "Siya nga, kaya't pinasasalamatan ko ang gayon.
Salita Ng Araw