United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Siniyasat na magalíng nitó ang calagayan n~g baclád, minasdán ang lambát, at n~g matantô na niyáng páwang magalíng ang calagayan ay tumanóng: ¿Talastás ba ninyóng magaling na may limang áraw n~g hindî pinapandaw itó? ¡Totoong nalalaman namin! Niyong áraw na bago mag "Todos los Santos" ang cáhulihulihang pagcápandaw nito. Cung gayo'y ó encantado ang dagatan ó macacahuli acó n~g cahí't iilán.