United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nasumpun~gan niya roon ang m~ga castilang pinagwiwicaan ang m~ga sundalo, canyang tiningnan ang m~ga upuang kinalalagyan ni María Clara at n~g canyang m~ga caibigan, at nakita niyang wala na sila roon. ¡Padre Cura! ¡padre Cura! ang sigawan sa canya n~g m~ga castila; n~guni't hindi niya pinansin sila.
Sa mayama't maluang na salón n~g canyáng bahay sa Tundó ay naroon si capitang Tinong, nacaupo sa isáng malapad na sillón, na hináhagpos ang noo't ang batoc, na may anyóng lubháng nahahapis, samantalang umíiyac at pinagwiwicaan siyá n~g canyáng asawang si capitana Tinchang, sa haráp n~g canyáng dalawáng anác na babae, na nagsisipakiníg mulâ sa isáng suloc na hindi nan~gagsisiimic, nan~gatútulig at nan~gabábagbag ang loob.