United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Laguim na totoó ang gobernadorcillo; ang canyáng sillón, yaóng dakilang sillóng nacalagáy sa ilalim n~g larawan n~g mahál na harì, waláng gumagamit, at wari'y natutungcol sa ibáng tao. Dumatíng ang curang namúmutla't cunót ang noó, n~g malapit n~g tumugtóg ang á las nueve. ¡Hindi namán nagpahintáy cayóng totoó! ang sinabi sa canyá n~g alférez.

¡N~gayo'y acó ang bibigyan mong casalanan! ang itinutol n~g masacláp na tinig, at sacâ tumampál n~g malacás sa camáy n~g sillón; ¿hindi mo ba sinabi sa aking magaling ang aking guinawâ na siyá'y aking inanyayahang cumain dito sa atin, sa pagcá't palibhasa'y mayaman ... sinasabi mong hindi dapat tayong makipagcaibigan cung di sa mayayaman lamang? ¡Abá!

Sa mayama't maluang na salón n~g canyáng bahay sa Tundó ay naroon si capitang Tinong, nacaupo sa isáng malapad na sillón, na hináhagpos ang noo't ang batoc, na may anyóng lubháng nahahapis, samantalang umíiyac at pinagwiwicaan siyá n~g canyáng asawang si capitana Tinchang, sa haráp n~g canyáng dalawáng anác na babae, na nagsisipakiníg mulâ sa isáng suloc na hindi nan~gagsisiimic, nan~gatútulig at nan~gabábagbag ang loob.

Si Maria Clarang nacahilig sa isang sillon sa guitna n~g m~ga unan at m~ga cumot na lana ay malaki ang ipinagtaca n~g canyang makita ang bagong pagmumukha n~g canyang doctor. Pinsan, ani doña Victorina, hahamunin mo n~g away n~gayon din ang Alférez ó cung hindi.... ¿At bakit? ang tanong ni Linares na nagtataca.

Nanhíc si Ibarra sa canyáng cuarto, na nasadacong ilog, nagpatihulóg sa isáng sillón, at canyáng pinagmasdán ang boong abót n~g tin~gin, na malakí ang natatanaw, salamat sa nacabucás na bintan

Cahi't ibiguin man ni capitan Tinong sundin ang utos n~g canyáng asawa'y hindi rin mangyayari; natatacpan ang canyang bibig n~g dalawáng camáy n~g canyáng asawa, at iniipit ang canyang maliit na ulo laban sa licuran n~g sillón, at marahil namatay sa pagcainis ang abáng lalaki cung hindi namag-itan ang isáng bagong dumatíng na tao.

Ga tumindíg na sa canyang sillón si Fr. Dámaso at tinitigan ang teniente. ¡Cahimanawarî dumatíng cayong malualhatì dito sa inyong lupaín, at magtamó nawâ cayó n~g lalong magandang palad cay sa inyong ama! ang sabi n~g militar na nan~gin~ginig ang voces.

Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ: ¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán! At sácâ mulíng sumuntóc.

¡Pagalin~gin nawâ cayó n~g Dios sa inyóng sakít! ang siyáng batì n~g batang dominico pagpasoc. Nacaupo sa isáng malaking sillón ang isáng matandáng párì, culubót at namúmutlâ na ang balát n~g mukhâ, cawan~gis n~g isá riyán sa m~ga santong ipinintá ni Rivera.

¡Hindi! ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón. Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap