United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ito,i, hindi pa magcasiya, at ang cataua,i, hindi pa pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui itong paghagod dito sa licod.
At cun hindi rin pinagsasaolan n~g pulso, at hindi pinapauisan nang mainit, ang isang cepillo ay ibabad mo sa aguardiente at icuscos sanang mahigpit sa boong catauan. Cun ualang cepillo,i, na-aari rin ang isang basahang magaspang; at cun ualang aguardiente ay na-aaring icuscos ang darac man lamang na totoong mainit, at balot sa isang basahan.