United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang man~ga gamot naman sa labas, na di dapat lisanin cailan man, cahit tila namamatay na ang maysaquit, at malamig man totoo, at cahit uala nang pulso,i, hindi rin dapat lisanin, ay gayon: Cucumutang mabuti ang maysaquit, at sa catauan niyang palibot ay idadaiti ang maraming boteng may tubig na totoong mainit, at cun malamig-lamig na,i, hahalinhan naman nang bagong sinid-lan nang tubig na mainit; saca yaong iba noong man~ga bote ay siyang ihahagod na ididiin sa ibabao nang damit sa ibang man~ga lugar nang catauan, lalong-lalo na sa licod.

Cun ito,i, hindi pa magcasiya, at ang cataua,i, hindi pa pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui itong paghagod dito sa licod.

Sabihin mo na." "Isa lang muntíng súgat, Elíng." "Na namán!" ang may padaóp kamáy pang sagót ng dalága, na animo'y noon lang nabatíd ang nangyári kay Gerardo, gayóng sa katunáyan ay nagmamaángmaángan siya. Pagdaka'y kumúha ng isáng palanggána, isáng boteng may lamáng gamot at saka isáng kahitang punô ng búlak at pangtalì ng súgat.

Kararating laang niyá noóng umágang iyon sa báyan ng Libís. Sa walang tígil na kalalákad, siya'y sumapit sa tapát ng isáng tindahán ng álak. Lumapit. At pagkatapos na matingnán ng isang tinging-uháw ang mga boteng naggigilásan sa loob, ay sinutsután pagdaka ang may-áring si Julio at ípinahiwatig dito ang kanyang ibig.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap