United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Samantalang si Kadiliman ay pinaghihilahanan at binubulun~gan n~g m~ga demonio't kalulwa; ay nanduduling ang dalawang mata't ibig man~gagat, pasag doon paság dito na parang León ni Charini at saka sisigaw nang: n~gayo't ako'y nang-uulol sa aking kababayan naiingit kayo sa akin, bubulun~gan naman n~g kalulwa n~g isang frayle at ganito ang ibinubulong kay Kadiliman; ¡mal agradecido! ¿Hindi ba ikaw ang nagpasasa sa aking káyamanan? ¿Bakit ako pa ang iyong mamasamain? ¡Mal agradecido! sapagka't si Kadiliman ay manugang nitong Frayleng nagdurusa sa infierno ang kalulwa, dahil sa m~ga kayamanang yaon na pinakikinaban~gan ni Kadiliman, n~guni't si Kadiliman ay madalás magalit sa frayle noong hindi pa nau-ulol, at talaga n~ga namang masama ang m~ga ginawa n~g frayleng itó noong siya'y nabubuhay, ito'y hindi kaila sa madla. ¿Bakit ga ibig mong tularan Kadiliman?
Salita Ng Araw