United States or South Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Ah! ¡cung na sa báhay sana táyong casáma n~g nánay! ang ibinuntóng hinin~gá n~g maliit na tinítingnan ang canyáng capatíd; doo'y hindî acó matatacot. Hindî sumagót ang matandáng capatíd; minámasdan cung paáno ang pagtúlò n~g pagkit at tíla mandin may pinag-iisip.
Napagkikilala n~g alférez na totoong catawatawang manamit ang canyang babae, na naaamoy sa canya yaong tinatawag n~g madlang "calunya n~g m~ga sundalo," at hindi n~ga magaling na siya'y ilantad sa m~ga mata n~g m~ga matataas na tao sa pan~gulong bayan n~g lalawigan, at cahi't sa m~ga taga ibang bayang doo'y nan~gagsidalo. Datapuwa't hindi gayon ang pinag-iisip n~g babae.