United States or Tunisia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tan~gi sa rito, si Bonifacio na rin ang kusang nagpauntol-untol sa pamanhik n~g m~ga kababayang nagsisibuo noón n~g "Liga Filipina," na lahat halos ay m~ga pilipinong litaw, nakakakaya't may pinagaralan, na nagsisiasang sa pamamagitan n~g "Ligang" yaon, ay makukuha n~g bayang pilipino "sa loob n~g kapayapaan" ang pagsugpo sa masasama't hidwang pamamalakad dito sa atin n~g pamahalaang kastila at n~g m~ga "fraile."
Tuwing darating ang ika 28 n~g Pebrero, ay nagdaraos n~g m~ga lihim na lamayan na patungkol sa tatlong paring pilipinong sina Gomez, Burgos at Zamora na ipinabitay n~g pamahalaang kastila sa sulsol n~g m~ga "fraile."
Noong ika 12 n~g Hunyo n~g 1898, ay inihayag at itinanghal naman sa Kawit ang uri n~g Pamahalaang sarili n~g Sangkapuluang Pilipinas at susog dito'y itinatag ang Pamahalaang Pilipinong Naghihimagsik, na ang Pan~gulo ay si Emilio Aguinaldo.