United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paka-in~gatan mo ang gawang magbihis, ang samâ at buti'y dian masisilip; diyan nahahayag ang tinagong bait, diyan nababasa ang gawi at hilig. Sa lahat n~g m~ga pakikipanayam ang nagsásalita'y mabuting pakingan, sapagka at lubhang kapan~git-pan~gitan ang di pumapasing sa kasalitaan.
Huag mong titigan ang alin mang hain, at gayon din naman kasalong panauhin paka-in~gatan mo't huag sasambitin ang bagay na baka nakaririmarim. Ang iyong m~ga siko ay huag mong isampa magpakailan pa man sa kakanang mesa, kahit anong ulam ay huag humingi ka, huag namáng pintasan ang kahit alin pa.
Kublihan pagdaka n~g panyo ang bibig, upanding ang dumi ay huag tumilansik: ang mukha mot labi'y pahirang malinis, at kailan may huag kan lumura sa sahig. Sa lahat n~g pulong ay lubos na bawal ang pagsasalita n~g m~ga mahalay, gayon din ang bulok na kadumal dumal ay huag mong sabihin at paka-in~gatan.
Kailan~gang sumunod sa ugaling moda, n~guni't huag lumampas n~g di tawanan ka, at huag kang magsuot n~g hindi mo kaya: ang mahal ay pan~git sa dukhang talaga. Paka-in~gatan mo ang iyong pananamit. n~g huag madun~gisan at n~g di mapunit; mainam ang luma, kung buo,t malinis, kay sa bagong wasak ó may duming bahid.
Salita Ng Araw