United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun masalubong ang bata nang sacerdote, maestro ó mahal na tauo, ay pagpugayan, at cun sacali,t, siya,i, titiguilan at sasalitain, ay houag ilalagay ang sombrero sa ulo, hangang di pagutusan, at pagutusan ma,i, houag ilalagay na madali, cun di uliting macalaua, ó macaitlo.
Cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay. Ang man~gahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.
Itong guinauá ni Sara, sa caniyang anac na lálaqui na sinalita co sa iyo,t, nang pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang cabaita,t, cabanalan. In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at naghihintay namang pagutusan itong iyong CAIBIGAN.