United States or Uruguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang capirasong daliri sa dagat natapon ngani, naguing tandang icauari sa pagquilalang madali. At bucód sa rito naman nang sa iyo'i, paturuan, ang cabayong tampalasan na lalo mong camatayan. Di guinauán ca nang daan niyang princesang marangal, ang ama'i, cahit masactán sa pagsintá ang dahilán. Di nang macapanhic ca na sa real palaciong sadyá cayong dalaua'i, nagsama sa sariling cuarto niya.
Pagca,t, binaui na sa sang maliuanag nang arao ang huli,t, malamig na sinag; saca unti-unti namang nacacadcad ang tabing sa gabing maitim na ulap. Nang macapanhic na ang bunying dalaga umupo sa sillang malapit sa mesa, tintero,i, binuhat, guinamit ang pluma, sinagot ang sulat ganito ang badya. « Sa may sintang handog .»
Cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay. Ang man~gahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.