United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati n~g kanyang m~ga anák sa kasamáng dapat pagbayaran. =Pagmamanahan= Sa katungkulan.
Kung ang isa sa m~ga anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan n~g kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang m~ga kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua't ang ano mang bagay na ibinigay n~g magulang sa kanino mang anák maging sa pan~gan~gailan~gan ó hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan.
Sa Inaring Anak. ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana n~g ibayong halaga ayon sa ibinigay n~g ama n~g siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya n~g isang putol na ginto ay magmamana siya n~g dalawang putol sa pagmamanahan. =Sa Bigay-kaya.= Ang nanunungkol n~g bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa kasunduan.