United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naalaala ni Tirso ang sulat na tinanggap na galing kay Elsa. Madali niyang dinukot sa isang kahon n~g kanyang sulatan na pinagtaguan niya upang iyo'y huwag nang makilala ni Martinez, at pagdaka'y binuksan. ¡Ah, anong kalatas na pagkahabahaba ang kanyang nabasa! ¡Anong pagkalungkotlungkot na m~ga katagang animo'y sigaw na napaaawa n~g isang inabot n~g sigwa sa laot n~g dagat!