United States or Gibraltar ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Samantalang nananatili sa alaala n~g bayang Filipinas ang hindî pag limot cay Rizal, mananatili naman sa bayang iyon ang pagmimithing magcaroon n~g isáng Bayan puspós sa carapatán at may magandáng caasalán. ¡Sa abâ n~g Filipinas cung sa canya'y lumípas ang pag-aalaalang iyan! ¡Hihibic siya sa caalipnang atang n~g m~ga taga ibang lupaín! At lalò pa n~gang magalíng sa matandang España na mamuhay ang canyang naguíng anác sa marilág na casarinlán cahi't na sa carukhâan, at huwag pawîin sa dibdib ang catibayan n~g dating pagguiguiliwán, cay sa magtiis ang naguíng anác na iyan sa pagcasacóp n~g isáng áli, na cahi't magpacayamanyaman ay hindî magtátaglay cailan man niyang talinghag
Nangagcamáy ang dalawa na nan~gagpisilan n~g boong pagguiguiliwan.
"Ito n~ga ang cadahilanan cayâ cayó'y nan~gagcacapisan n~gayón. May m~ga pan~galan sa historia n~g m~ga bayang sila lamang ay nagpapakilala na n~g isáng nangyari at nagpapaalaala n~g m~ga pagguiguiliwan at n~g m~ga cadakilaan; m~ga pan~galang wan~gis sa isáng cababalagháng hiwág