United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nalilipos na n~g apóy ang boong bahay, lumálacás ang han~ging nasasalab; mulâ sa malayo'y nan~gagsisirating ang iláng m~ga tagá bukid, nguni't dumárating silá roo't upáng mapanood lamang nilá ang cagulatgulat na sigâ, ang wacás n~g matandáng bahay, na pinagpitagang mahabang panahón n~g apóy, tubig at han~gin. Sa cawacasa'y pinapag-umaga rin n~g Dios sa bayang tiguíb n~g pagcagulantang.
Salita Ng Araw