United States or Senegal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun baga magaling-galing man ang maysaquit, hindi pa siya lumalacas, cundi parating mahina, at ang sicmura ay gulo, at maminsanminsan ga nalalagnat na, iinumin niya maghapon ang bilin sa número 14, timbang tatlong bahagui. Houag naman siyang magsasaoli sa datihang gaua, hangan hindi pa siya malacas na totoo.
Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ulî at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglagô, at pagcacagayo'y lalong nadadalî ang pagcamatay n~g may sakit.
Salita Ng Araw