United States or Western Sahara ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lumuhód sa harap n~g canyang magulang bendición po ninyo aco,i, pabauonan, ang camáy nang amá,i, iguinauad naman pinahalíc niya at benendicionan. At saca sa iná ay siya,i, lumapit hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc, benendicionan di,t, ang uicang sinambit ang paroronan mo naua ay masapit.
Mahal na iná co cahima,t, mapait at aco ay lason sa puso at dibdib, cayo po ay di man sa aqui,i, lumapit tanauin man lamang aco sa pag-alis. Guilio na iná co cayo ay cahiman uala sa haráp co ay linuluhuran, bagaman at lason sa puso ay subyáng bendición po ninyo aco,i, pabauonan.