United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa mayama't maluang na salón n~g canyáng bahay sa Tundó ay naroon si capitang Tinong, nacaupo sa isáng malapad na sillón, na hináhagpos ang noo't ang batoc, na may anyóng lubháng nahahapis, samantalang umíiyac at pinagwiwicaan siyá n~g canyáng asawang si capitana Tinchang, sa haráp n~g canyáng dalawáng anác na babae, na nagsisipakiníg mulâ sa isáng suloc na hindi nan~gagsisiimic, nan~gatútulig at nan~gabábagbag ang loob.
Ang aking adhika sapul magkaisip n~g kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsan masilip sa dagat Silan~gan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakás kunot n~g kapighatian gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.
Natátacpan ang canyáng noo't ang canyáng buhóc n~g carumaldumal na pusalì, puspos n~g m~ga sugat at m~ga galos ang canyáng mukhâ, ang catawa'y basâ at tumutulò, n~g siyá'y sumipót sa m~ga matá n~g caramihang hindi umíimic; pinapan~gán~galigkig siyá sa guináw n~g han~gin. ¿Ibig mo bang magsaysáy? ang sa canyá'y caniláng itinanóng.
Salita Ng Araw