United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa la-laqui naman ang naca-catulad tumutubong cahoy, cun di ca calangcap, at nagsa-sarili sa buhan~gin lauac, ualang dahon't bun~ga't culay lumbay cupas; N~gunit cung laquip ca't sa la-laquing piling, ang paliguid tila cagalaca't ning-ning, ang lahat sa dam-dam cabusuga't lambing, pang-alio sa buhay cupcop n~g hilahil.
Naguing para ca mang mut-yang punong ning-ning pinag-agauanan at nasalin salin sa iba at ibang liping nagsisupil, n~gunit ang sintahang tunay sa iyo'y supling. Guinamit man cahit sa pagcacapatid n~g iba mong anac ang dahas n~g caliz; n~gunit anac mo rin ang nagpatahimic at nag-iuang sa iyong pan~galang malinis.