United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Icao mang yumurac sa boong ligaya di dapat matapos n~g amang nauna, icao rin ang hanap quinaba-balisa minimithing lunas n~g guinauang sala. Ang naca cahambing n~g sangsinucuban sa la-laquing licha cun di ca cabilang, parang na malapad tanim cabatuhan, simoy pa n~g han~gin pansaua sa buhay.
Saca ang la-laquing caraniuang yucod, cahit mabigat man, sa asauang himoc, dóo'y nan~gagtayo ang noo at un~gos ang boong lagab-lab n~g palalong poot. Hindi masasaclao ang naguing hangahan niyaong pagla-labang ualang pacundan~gan, doon ang pagdaló cun di naagapan n~g Principeng Punong cataastaasan.
Sa la-laqui naman ang naca-catulad tumutubong cahoy, cun di ca calangcap, at nagsa-sarili sa buhan~gin lauac, ualang dahon't bun~ga't culay lumbay cupas; N~gunit cung laquip ca't sa la-laquing piling, ang paliguid tila cagalaca't ning-ning, ang lahat sa dam-dam cabusuga't lambing, pang-alio sa buhay cupcop n~g hilahil.
Cung baga'y ha-hanap labis pang carictan sa la-laquing muc-ha para n~g hinin~gan alindog ang sihin at bucang liuay-uay n~g tanang bulac-lac Mayo nating buan.