United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang naguing bun~ga n~g pagsasalitaan nilang ito'y ang pagbabalic loob ni Nicodemo, na mulâ niyao'y naguing alagad ni Jesús, cahit sa lihim, bagay na anaki'y pinagcacakilalanan n~g cahinaan n~g canyang pananampalataya sa Mananacop. Walang ibang sinasabi sa Evangelio tungcol sa canya cung di ang canyang pagsasanggalang cay Jesús n~g ito'y ibig sanang dacpín n~g m~ga fariseo isang araw.
Nang makita ni Pilato , ni Anas at ni Caifas , na m~ga papa ó pontífice n~g m~ga judío, n~g m~ga sacerdote, escriba at fariseo , na patáy na ang canilang kinapopootang si Jesús, nagbawa na ang canilang galit, binigyan na nilang capayapaan ang kinitlán nila n~g hinin~gá, at ipinahintulot nila kay Joseph Arimathea at cay Nicodemo na mailibíng.
Ang cahulugan nang pan~galang "Nicodemo" ay "dugong walang sala." Capanig nang panahong iyon si Nicodemo sa secta nang m~ga fariseo, siya'y príncipe nang m~ga judío at alagad na lihim ni Jesucristo. Isang gabí ay nakipagkita siya cay Jesús at sila'y nagsalitaan n~g m~ga bagay na mahahalagá.