United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !
Capatid co,i, ano,t, natitiuasay ca parang di mo tanto ang bububóng dusa, ang uica mo yata,i, bucas macalaua madaling magsisi cung naroroon na. Nagcacamali ca at di natin lining ang icatatapos nang hinin~gang angkin, mabuti cung hinay-hinay ang pagdating nang camatayan mo, at hindi biglain.
Ang iguinagalang na pantas mong isip na ang lalong lico ay pinatutuid, darating ang araw na ipag-susulit sa Hucom na di ca macapaglilic-lic. Diyata,t, sa gayo,i, natitiuasay ca,t, ang huling darating ay di ala-ala, ipinapalit mo sa munting ligaya ang Lan~git na ualang catapusang saya.