United States or Israel ? Vote for the TOP Country of the Week !


Liban na lamang cun ang Kapisana'y nasasará at totoong mahigpit ang pagcacailan~gan, at cun magcaganito'y maipacacana n~g Pamunoan sa ilalim n~g boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa Tanu~gan ang pagsansala n~g catuiran at pagpapahaba n~g taning na nababanguit sa itaas; n~guni gayon ma'y caracaraca'y ipagbibigay alam sa Kapisanan cailan ma't ito'y mangyayari.

Ang m~ga habla sa ano mang casalanan habang nasasará ay mabibigyang usap na di na magdadaan sa alin mang Paniualaan, n~guni't ang kapulun~gang hahatol ay magpapasabi sa laguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap upang matapos agad. Samantalang ganito'y ang may usap ay di macahaharap sa m~ga pulong nang Kapisanan hangan di maquilalang siya'y ualang sala.

Ang man~ga Tagatayó sa cabayanang calooban nang República pati nang tigisang pili sa man~ga tumatayo sa man~ga capit cabayanan ang naguiguing Laguing Paniualaan na, cun nasasara ang Kapisanan, ay man~gan~galaga sa ganap na catuparán n~g m~ga Cautusan at siyang tatauag sa man~ga capulong cun ito'y hin~gin n~g Presidente sa pagca't dumaan ang caguipitan ó may pagpupulun~gang lubhang malaquing bagay.

Capag natangap n~g Tanun~gan ang m~ga casulatan sa paghahalal n~g lahat na cabayanan ay magpasabi sa Kapisanan ó sa Laguing Paniualaan cun nasasará, at ito'y magsusugo n~g tatlo catauong tagapagsiyasat na maqui-alam sa pagbibilang n~g botos.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap