United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isa sa m~ga magagandang caugalian n~g guinoong babaeng ito ang magpacasumicap na huwag niyang maalaman ang wicang tagalog, ó cung dili ma'y nagpapacunwaring hindî niyá nalalaman ang tagalog na ano pa't sinasadyang magpautal-utal at magpamalimali n~g pananalita: sa gayo'y magagawa niyá ang pag-aanyo n~g tunay na "orofea", na gaya n~g caniyáng caraniwang sabihin. ¡At magaling n~ga naman ang canyáng guinagawa! sa pagca't cung pinahihirapan niyá ang wicang tagalog, ang wicang castila'y hindi lumiligtas sa gayóng catampalasanan, sa nauucol sa gramática at gayon din sa pan~gun~gusap.