United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nagpapaupa n~g pagdadalá n~g ano mang bagay na mabigat. Ang bahay na nagpapacain sa sino mang nagbabayad sa may ari, at ang papatuloy sa bawa't magbayad. Wicang francés na ang cahuluga'y "fonda:" cacanán at tuluyan. Cung ipan~gusap ay "restorán." Estátua ó larawang cáhoy, bató, tansô ó bacal na inilalagay na pinacahaligui n~g anó man. Tuláy n~g España. Isáng carruajeng ganitó cung tawaguin.
Maraming m~ga báhay si Capitang Tiago sa Santo Cristo, sa daang Anloague at sa Rosario. Siyá't isáng insíc ang may hawác n~g "contrata" n~g opio at hindî n~ga cailan~gang sabíhing silá'y nan~gagtutubò n~g lubháng malakí. Siyá ang nagpapacain sa m~ga bilanggô sa Bilibid at nagpapádala n~g damó sa maraming m~ga pan~gulong báhay sa Maynil