United States or Canada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tila mandîn totoong lumiligaya si Fr. Sibyla: tahimic na lumalacad at hindî na námamasid sa canyáng nan~gin~gilis at manipís na m~ga labì ang pagpapawaláng halagá; hanggáng sa marapating makipagusap sa pilay na si doctor De Espadaña, na sumásagot n~g putól-putól na pananalitâ, sa pagcát siya'y may pagcá utál. Cagulatgulat ang samâ n~g loob n~g franciscano, sinisicaran ang m~ga sillang nacahahadláng sa canyáng nilalacaran, at hanggáng sa sinicó ang isáng cadete. Hindî nagkikikibô ang teniente; nagsasalitaán n~g masayá ang ibá at caniláng pinupuri ang cabutiha't casagan