United States or Montenegro ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ualang marunong sumangra, ay ipacagat sa linta ang piling nang lugar na nasactan. Itong pagcuha nang dugo ay totoong capilitang gauin agad dito sa saquit na ito; at pagca nacunan na nang dugo ang maysaquit, ay caalam-alam totoong daling guminhaua ang caniyang pagcaramdam.
Datapoua cun mahina na at lauon nang maysaquit, at nacunan na nang maraming dugo, houag nang sangrahan, cundi lagyan nang parapit sa dalauang binti, at paiinomin nan~g bilin sa número 12.
Pag nacunan nang dugo ang maysaquit, at inaacalang masama ang sisibol, ay pupurgahin cun marumi ang dila nang bilin sa número 21, at susumpitin arao-arao na ualang liban nang bilin sa número 5. Bucod dito ay houag ipatiquim sa maysaquit ang sabao, ang alac, ang man~ga mahanghang, ang carne, ang itlog, ang isda at ang baboy.