United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Cung gayo'y bacâ cayâ ang Dios? ¡Ah! hindî nacatitigatig ang mabait na Dios n~g m~ga conciencia at n~g pagcacatulog n~g m~ga mámamayan doon: hindî nacapan~gin~gilabot man lamang sa canila; at sacali't másalitâ sa canilá ang Dios sa alin mang sermón, waláng sálang naiisip niláng casabáy ang pagbubuntóng hinin~gá: ¡Cung íisa sana ang Dios!... Bahagyâ na nilá nagugunitâ ang Dios: lalong malakí pa n~ga ang capagurang sa canila'y ibiníbigay n~g m~ga santo at m~ga santa.