United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dapouat si Romeo'y sa gayo'y nalihis, sa ugaling lacad n~g lupa'y naparis, sa init apuy rin nabuyong sumanib hindi na nabalac dusang masasapit. Cahit sa pagayon Romeo'y nagculang, n~gunit nacatupad sa tungcol na mahal n~g pagca-caibigang tapat at matibay bihirá sa mundo bagang matagpuan.
"Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan dî acó naghirap ng paquiquilaban, para n~g bacahin ang púsong matibay ni Fleridang irog na tinatan~gisan. Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig sa catiyaga-an ang púsong matipíd at pagcaca-ísa ng dalauang dibdib, pagsintá ni ama,i, nabuyong gumi-it.