United States or Belize ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dapouat si Romeo'y sa gayo'y nalihis, sa ugaling lacad n~g lupa'y naparis, sa init apuy rin nabuyong sumanib hindi na nabalac dusang masasapit. Cahit sa pagayon Romeo'y nagculang, n~gunit nacatupad sa tungcol na mahal n~g pagca-caibigang tapat at matibay bihirá sa mundo bagang matagpuan.

Dapouat icao Conde, na may capatauaran cung hindi namatay si Julietang hirang, tica mo ay linsad hindi rin macamtan ang han~gad mong gandang sa pusong candun~gan. At n~gayo'y lisan na iniyong pagcahimbing sa lupang mayapa't gaua n~g patalim, upang di lumauig buhay sa hilahil sintang dadamayan ang siyang hanapin."

Dapouat n~g acma nang magsucatang sacbat isang bagong taong mabunyi ang ticas, cátaong lumapit at ang unang bigcas ¡"itiguel na anya, panganyayang han~gad"! Ito'y si Benboliong quilalang pan~galan, at pamangqiung buo Montescong maran~gal, taong matahimic at sa pusong mahal pag-api sa capoua capan~gita't suclam.

Ualang malay isip Romeo'y di talos sa paraang libing n~g asauang irog, n~g malamang patay cay Montescong utos, Romeo'y ang dib-dib halos na sumabog; Dapouat pinag tibay ang loob sa sáquit sa pagcat naghari sa madlang inisip na pilit damayan ang asauang ibig sa quinalibin~gan ano mang masapit;

Lumbay n~g magulang sa Pari ang tin~gin, patayo't baba sa dib dib padiin, lubhang mahalaga cung baga isipin may nasang itanong, n~gunit napipiguil. Dapouat sa Principe ang gayo'y di lin~gid at caya sa aua sa Pari'y nagsulit, aniya "Padre, n~gayo'y ¿sabihin ang baquit Julieta't Romeo'y bangcay pinagdatig?"

Inaagao dising lin~gid sa magulang huag na bumacas pighati sa buháy, dapouat di mahulò ang bagay dahilan cayá gabi't arao ito ang usapang. Sino sa magulang sa anac na sinta nitong dusang lihim ang hindi man~gamba lalo na cung bugtong gaya ni Julieta, at inaasahang touá at ligaya.

Catiuala sa iyo ang isip at loob pagcat namasdan cang tapat na umirog; n~gunit yaring puri handa rin ang utos sa inaacalang bahid na lu-lusob. Dapouat ang naguing subiang niyaring dib-dib di lisiya sa landas n~g uagas mong hibic, paca-asahan mo, at huag man~ganib aco ay iyo rin magpahangang lan~git.