United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yamang talastas mo na ang ating búhay ay hindí lalagui sa lupang ibabaw at may takdang guhit yaong kamatayan na pagtuntong doo'y tapós na ang layaw. Kaluluwa natin ay pilit haharap sa handang Hukoman na sakdal n~g taas at uusisain ang lahat at lahat inasal sa mundo't gawang hindí tapát.
Kaya ang sinoma'y bulaan ang bait at ang matalinong m~ga pag-iisip supil n~g tadhana't hindí magagamit ang siya'y umilag sa maling pag-ibig. Daming pasalamat ang itinutungkol sa kabaitan mong taglay ang hinahon at dí nabalinong puso mo'y lumusong sa hiling n~g mundo't udyók n~g panahon.
Hangang naririto sa bayang malungkot at yaring búhay ko'y hindí nalálagot ay hindí titiguil ang luhang bubuhos sa hapdí n~g aking nasasaktang loob. ¡Hahanapin ko nang matagpô ang landas na pinagdaanan n~g iyong pag lipat sa kabilang mundo't aanhing magluát ay walâ na akong amang lumilin~gap!