United States or Syria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung ikaw'y hindi ko makatkat sa diwa'y sapagka't lunas ka sa aking pagluha, ikaw sa lungkot ko'y kamay n~g biyaya, ikaw sa uhaw ko'y hamog na mabisa. Para ka mawaglit sa aking isipa'y kailan~gan ko pa ang isang libin~gan, at para maubos ang aking kundima'y magbalik ka muna sa pinanggalin~gan.
Kailan~gang harapi't siyasating lahat ang sa pamamahay gawang nararapat, at huag sayan~gin ang kabit nang oras, magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas. M~ga kasankapang iyong magagamit, kung saan kinuha ay isawling saglit; huag pabayaang masira't mawaglit, pinuhunan dian ay maraming pawis.