United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, ang walis, pamunas, lamesa't upuan, tanang kasankapang kaliit liitan may kani-kaniyang dapat na kalagyan. Makita mo'y kahit iisang karayom na kakalat-kalat ó kaya natapon, pulutin mo agad at ilagay doon sa kung saan dapat, sa lalagyáng ukol.
Kailan~gang harapi't siyasating lahat ang sa pamamahay gawang nararapat, at huag sayan~gin ang kabit nang oras, magagawa n~gayo'y huag ipagpabukas. M~ga kasankapang iyong magagamit, kung saan kinuha ay isawling saglit; huag pabayaang masira't mawaglit, pinuhunan dian ay maraming pawis.