United States or Fiji ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Mararatnan co po caya si pari Damaso sa canyang bayan? ang isinalabat ni Linares, na si pari Salvi ang kinacausap; malapit daw rito ang sabi sa akin. Aba, naririto siya n~gayon at hindi malalao't siya'y paririto, ang isinagot n~g cura.
Cung pumaroon tayo n~gayón sa bahay ni María Clara, isang magandang púgad na na sa guitna n~g m~ga dalandan at ilang-ilang, mararatnan pa natin ang binata't dalagang capuwâ nacasun~gaw sa isang bintana sa dacong dagatan. Lumililim sa bintanang iyon ang m~ga bulaclac at m~ga halamang gumagapang sa m~ga cawayan at sa m~ga cawad, na pawang nan~gagsasabog n~g pihícang ban~go.