United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mainam na totoo ang pagcacapaliwanag sa tablado, libolibong m~ga ilaw ang nacaliliguid sa m~ga haligui, nacabitin sa bubun~gan, at nasasabog sa sahig na masinsin ang pagcacapulupulutong. Isáng alguacil ang siyáng nag-aalaga n~g m~ga ilaw na iyón, at pagca napaparoon at n~g mapagbuti ang m~ga ilaw na cucutapcutap, siya'y pinagsusutsutanan at sinisigawan n~g madla; ¡Nariyan na, nariyan na siyá!