United States or South Georgia and the South Sandwich Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mainam na totoo ang pagcacapaliwanag sa tablado, libolibong m~ga ilaw ang nacaliliguid sa m~ga haligui, nacabitin sa bubun~gan, at nasasabog sa sahig na masinsin ang pagcacapulupulutong. Isáng alguacil ang siyáng nag-aalaga n~g m~ga ilaw na iyón, at pagca napaparoon at n~g mapagbuti ang m~ga ilaw na cucutapcutap, siya'y pinagsusutsutanan at sinisigawan n~g madla; ¡Nariyan na, nariyan na siyá!
Sa tabi n~g durun~gawan, naroon at nacatindíg si Linares sa tabi ni Maria, na pinagsasalitsalít ang m~ga bulaclac at ang m~ga dahon n~g m~ga gumagapang na halaman; nasasabog sa lapag ang m~ga rosa at m~ga sampaga.
Salita Ng Araw